Nobena kay Santa Gemma Galgani sa filipino


Nobena kay Santa Gemma Galgani

(Ang webmaster ay nais magpasalamat sa Mandy para sa kanya pagsasalin ng mga panalangin. May Diyos magbendisyon sa kanya sa pagbabalik.)

Unang araw
Paunang Panalangin: O Dakilang Panginoon, buong kababaang loob kaming lumalapit iyo, sinasamba at niluluwalhati ka namin, dinggin mo ang abang panalanging na bunga ng pamimintuho sa iyong lingkod, Santa Gemma Galgani, nawa sa pamamagitan niya ay matamo namin ang biyayang hinihingi.

O maawaing birhen, Santa Gemma, sa maikli panahong inilagi mo sa lupa, ipinamalas mo ang halimbawa ng malaanghel na kawalang malay at serapikong pagibig. Naging karapatdapat kang tumanggap ng mga tanda ng pagpapakasakit ng Panginoong Hesukristo sa iyong katawan. Mahabag ka sa amin na ngayon ay nangangailangan ng awa at tulong ng Diyos. Sa pamamagitan mo hinihiling naming makamit ang biyayang ito. (sambitin ang kahilingan)

Ama namin, Aba Maria, Luwalhati
Ipanalanging mo kami, Santa Gemma, ng kami ay maging karapatdapat na makinabang sa mga pangako ni Kristo.

Manalangin tayo: O Panginoon naming Diyos, na nagpahintulot sa iyong lingkod, Santa Gemma na dumanas ng paghihirap at pagpapakasakit ng Iyong Anak, Ipagkaloob mo na sa kanyang panalangin ay matamo ang biyayang iniluluhog at makapiling Ka sa iyong kaharian. Hinihiling namin ito alang alang sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong anak, na si Hesukristo, aming Panginoon. Amen.

Ikalawang Araw
Paunang Panalangin: O Dakilang Panginoon, buong kababaang loob kaming lumalapit iyo, sinasamba at niluluwalhati ka namin, dinggin mo ang abang panalanging na bunga ng pamimintuho sa iyong lingkod, Santa Gemma Galgani, nawa sa pamamagitan niya ay matamo namin ang biyayang hinihiling.

O karapatdapat na kabiyak ng Kordero ng Diyos at tapat na Birheng Santa Gemma, napanatili mo ang malaanghel na kawalang malay at busilak na pagkabirhen, ipinamalas mo ang magandang halimbawa ng kalinisan at makaDiyos na katangian, masdan mo kami na may habag, sa iyo kami ay umaasang, makamit ang kahilingang ito. (sambitin ang kahilingan)

Ama namin, Aba Maria, Luwalhati
Ipanalanging mo kami, Santa Gemma, ng kami ay maging karapatdapat na makinabang sa mga pangako ni Kristo.

Manalangin tayo: O Panginoon naming Diyos, na nagpahintulot sa iyong lingkod, Santa Gemma na dumanas ng paghihirap at pagpapakasakit ng Iyong Anak, Ipagkaloob mo na sa kanyang panalangin ay matamo ang biyayang iniluluhog at makapiling Ka sa iyong kaharian. Hinihiling namin ito alang alang sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong anak, na si Hesukristo, aming Panginoon. Amen.

Ikatlong Araw
Paunang Panalangin: O Dakilang Panginoon, buong kababaang loob kaming lumalapit iyo, sinasamba at niluluwalhati ka namin, dinggin mo ang abang panalanging na bunga ng pamimintuho sa iyong lingkod, Santa Gemma Galgani, nawa sa pamamagitan niya ay matamo namin ang biyayang hinihiling.

O mapagmahal na Birheng Santa Gemma, sa iyong masidhing pagibig kay Hesus, higit kang nagdusa bilang biktima ng sala upang magbalik loob sa Diyos ang mga makasalanan, at dahil sa masidhi mong pagibig sa Panginoon, minahal mo ring labis ang iyong kapwa. Huwag mo kaming kalimutan dito sa mundong ibabaw, at lingunin mo kami na tumatawag sa iyo, at umaasang sa pamamagitan mo ay makakamit ang aming kahilingan.

Ama namin, Aba Maria, Luwalhati
Ipanalanging mo kami, Santa Gemma, ng kami ay maging karapatdapat na makinabang sa mga pangako ni Kristo.

Manalangin tayo: O Panginoon naming Diyos, na nagpahintulot sa iyong lingkod, Santa Gemma na dumanas ng paghihirap at pagpapakasakit ng Iyong Anak, Ipagkaloob mo na sa kanyang panalangin ay matamo ang biyayang iniluluhog at makapiling Ka sa iyong kaharian. Hinihiling namin ito alang alang sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong anak, na si Hesukristo, aming Panginoon. Amen.

Ikaapat na Araw
Paunang Panalangin: O Dakilang Panginoon, buong kababaang loob kaming lumalapit iyo, sinasamba at niluluwalhati ka namin, dinggin mo ang abang panalanging na bunga ng pamimintuho sa iyong lingkod, Santa Gemma Galgani, nawa sa pamamagitan niya ay matamo namin ang biyayang hinihiling.

Pinagpalang Santa Gemma, Ikaw na sa pamamagitan ng kalooban ng Panginoon, nagpakasakit sa pagkawala ng iyong mga magulang sa murang gulang, at nagtiis sa di mabilang na sakit ng katawan at kaluluwa, turuan mo kaming magpakasakit at magdusa alang alang sa masidhing pagmamahal sa Panginoon, na pagsisihan naming lubos ang aming mga kasalanan upang kami ay maging karapatdapat na makapiling ng Panginoon sa langit.

Ama namin, Aba Maria, Luwalhati
Ipanalanging mo kami, Santa Gemma, ng kami ay maging karapatdapat na makinabang sa mga pangako ni Kristo.

Manalangin tayo: O Panginoon naming Diyos, na nagpahintulot sa iyong lingkod, Santa Gemma na dumanas ng paghihirap at pagpapakasakit ng Iyong Anak, Ipagkaloob mo na sa kanyang panalangin ay matamo ang biyayang iniluluhog at makapiling Ka sa iyong kaharian. Hinihiling namin ito alang alang sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong anak, na si Hesukristo, aming Panginoon. Amen.

Ikalimang Araw
Paunang Panalangin: O Dakilang Panginoon, buong kababaang loob kaming lumalapit iyo, sinasamba at niluluwalhati ka namin, dinggin mo ang abang panalanging na bunga ng pamimintuho sa iyong lingkod, Santa Gemma Galgani, nawa sa pamamagitan niya ay matamo namin ang biyayang hinihiling.

O butihing Santa Gemma, sa panahon ng iyong masidhing pagnanasa na maitalaga ang sarili sa relihiyosang pamumuhay, nasumpungan mo makalipas ang maraming taon na ito ay di nauuukol sa iyo, ay nagdulot sa iyo ng masidhing sama ng loob. Tinanggap mo ang pasakit na ito na may lubos na pagtitiwala sa kalooban ng Panginoon. Turuan mo kami, mahal naming Santa Gemma, na matanggap ang mga pasakit na ipinagkakaloob sa amin ng Panginoon lalo na ang pasakit na di naayon sa aming kalooban at nais.

Ama namin, Aba Maria, Luwalhati
Ipanalanging mo kami, Santa Gemma, ng kami ay maging karapatdapat na makinabang sa mga pangako ni Kristo.

Manalangin tayo: O Panginoon naming Diyos, na nagpahintulot sa iyong lingkod, Santa Gemma na dumanas ng paghihirap at pagpapakasakit ng Iyong Anak, Ipagkaloob mo na sa kanyang panalangin ay matamo ang biyayang iniluluhog at makapiling Ka sa iyong kaharian. Hinihiling namin ito alang alang sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong anak, na si Hesukristo, aming Panginoon. Amen.

Ikaanim na Araw
Paunang Panalangin: O Dakilang Panginoon, buong kababaang loob kaming lumalapit iyo, sinasamba at niluluwalhati ka namin, dinggin mo ang abang panalanging na bunga ng pamimintuho sa iyong lingkod, Santa Gemma Galgani, nawa sa pamamagitan niya ay matamo namin ang biyayang hinihiling.

Pinakamamahal na hiyas ni Kristo, Santa Gemma, na ang puso ay nag-aalab sa pag ibig sa Diyos, turuan mo kaming mahalin ang Panginoon ng buong puso, isip at kaluluwa. Nawa ay lagi naming italaga ang lahat ng bagay sa Panginoon ng buong pag-big, “ kung saan ang aming kayamanan, naroon din ang aming puso.” (Mateo 6:21) (Banggitin ang kahilingan) Amen.

Ama namin, Aba Maria, Luwalhati
Ipanalanging mo kami, Santa Gemma, ng kami ay maging karapatdapat na makinabang sa mga pangako ni Kristo.

Manalangin tayo: O Panginoon naming Diyos, na nagpahintulot sa iyong lingkod, Santa Gemma na dumanas ng paghihirap at pagpapakasakit ng Iyong Anak, Ipagkaloob mo na sa kanyang panalangin ay matamo ang biyayang iniluluhog at makapiling Ka sa iyong kaharian. Hinihiling namin ito alang alang sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong anak, na si Hesukristo, aming Panginoon. Amen.

Ikapitong Araw
Paunang Panalangin: O Dakilang Panginoon, buong kababaang loob kaming lumalapit iyo, sinasamba at niluluwalhati ka namin, dinggin mo ang abang panalangin na bunga ng pamimintuho sa iyong lingkod, Santa Gemma Galgani, nawa sa pamamagitan niya ay matamo namin ang biyayang hinihiling.

O Banal na Santa ng Pagpapakasakit ni Hesus, Santa Gemma, kaluluwang inialay, malimit mong ihingi ng awa at patawad ang mga makasalanan, kung ito ay naayon sa kalooban ng Diyos Ipagkaloob mo sa amin ang biyayang ito, (Banggitin ang kahilingan) higit sa lahat, ipagkaloob mo na kami ay taos pusong magbabalik loob sa Panginoon para kaligtasan ng aming kaluluwa, ng sa gayon ay makapiling ka namin, kasama nina Hesus at Maria magpasawalang hanggan. Amen.

Ama namin, Aba Maria, Luwalhati
Ipanalanging mo kami, Santa Gemma, ng kami ay maging karapatdapat na makinabang sa mga pangako ni Kristo.

Manalangin tayo: O Panginoon naming Diyos, na nagpahintulot sa iyong lingkod, Santa Gemma na dumanas ng paghihirap at pagpapakasakit ng Iyong Anak, Ipagkaloob mo na sa kanyang panalangin ay matamo ang biyayang iniluluhog at makapiling Ka sa iyong kaharian. Hinihiling namin ito alang alang sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong anak, na si Hesukristo, aming Panginoon. Amen.

Ikawalong Araw
Paunang Panalangin: O Dakilang Panginoon, buong kababaang loob kaming lumalapit iyo, sinasamba at niluluwalhati ka namin, dinggin mo ang abang panalanging na bunga ng pamimintuho sa iyong lingkod, Santa Gemma Galgani, nawa sa pamamagitan niya ay matamo namin ang biyayang hinihiling.

O mapagmahal na Santa Gemma, maraming ulit mong tinangisan ang iyong mga kasalanan, at malimit kang humingi ng kapatawaran, at nagbayad puri sa mga ito. Kami na nagpapahalaga sa aming sarili at laging nagnanais ng mga bagay na nagbibigay ng makamundong kasiyahan at malimit na di pagsisisi. Tulungan mong maunawaan namin ang walang kapantay na pagdurusa ni Hesus dahil sa aming mga kasalanan, at lahat ng pasakit na ginawa natin sa Kanya. At sa pamamagitan ng mahal na pagpapakasakit ni Jesus, matamo nawa namin ang masidhing lungkot at mithiing di na muling magkakasala. (Banggitin ang kahilingan) Amen.

Ama namin, Aba Maria, Luwalhati
Ipanalanging mo kami, Santa Gemma, ng kami ay maging karapatdapat na makinabang sa mga pangako ni Kristo.

Manalangin tayo: O Panginoon naming Diyos, na nagpahintulot sa iyong lingkod, Santa Gemma na dumanas ng paghihirap at pagpapakasakit ng Iyong Anak, Ipagkaloob mo na sa kanyang panalangin ay matamo ang biyayang iniluluhog at makapiling Ka sa iyong kaharian. Hinihiling namin ito alang alang sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong anak, na si Hesukristo, aming Panginoon. Amen.

Ikasiyam na Araw
Paunang Panalangin: O Dakilang Panginoon, buong kababaang loob kaming lumalapit iyo, sinasamba at niluluwalhati ka namin, dinggin mo ang abang panalanging na bunga ng pamimintuho sa iyong lingkod, Santa Gemma Galgani, nawa sa pamamagitan niya ay matamo namin ang biyayang hinihiling.

O pinakamasintahing Santa Gemma, magmula ngayon, hiling namin na Ikaw ay maging Patrona at matalik na kaibigan. Tulungan mo kami sa aming pangaraw-araw na pangkaluluwa at pangkatawang pangangailangan. Tulungan mo kaming maunawan, mahalin at paglingkuran ang ating Panginoong Diyos ng buong puso. Samahan mo kami, kasama ng aming anghel na tagatanod sa landas patungo sa langit. Kasama ni Hesus, Maria at Jose, ipanalangin mo kami sa oras ng aming kamatayan. At alang alang sa walang hanggang awa ng Panginoon at sa Mahal na Pagpapakasakit ni Hesus, na iyong kabiyak, hinihiling namin ang kaligtasan ng aming kaluluwa at ang kahilingang iniluluhog sa iyo. (Banggitin ang kahilingan) Amen.

Ama namin, Aba Maria, Luwalhati
Ipanalanging mo kami, Santa Gemma, ng kami ay maging karapatdapat na makinabang sa mga pangako ni Kristo.

Manalangin tayo: O Panginoon naming Diyos, na nagpahintulot sa iyong lingkod, Santa Gemma na dumanas ng paghihirap at pagpapakasakit ng Iyong Anak, Ipagkaloob mo na sa kanyang panalangin ay matamo ang biyayang iniluluhog at makapiling Ka sa iyong kaharian. Hinihiling namin ito alang alang sa pagkamatay at muling pagkabuhay ng iyong anak, na si Hesukristo, aming Panginoon. Amen.

1 comment:

Anonymous said...

Thank you, for the beautiful Novena of Saint Gemma
In Tegelog. My wife was reading these nine prayers
for nine days to me, in English, since she is Filipino.

ShareThis